Kung ano lang ang kaya ng bata, ‘yun lang muna. - DepEd


Nagbigay ng paalala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na tantsahin lang ang mga Gawain na ibibigay sa ang mga estudyante ngayong "blended learning" ang paraan ng pagtuturo sa gitna ng pandemiya.

Saad ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na naiintindihan niya ang kalagayan ng mga mag-aaral dahil nakita rin niya ang ganitong sitwasyon sa Bicol Region.

“Nauunawaan po natin ‘yan [sobrang aralin]. Magre-remind po tayo officially na kailangan yatang mag-synchronize. Meron na po kaming suggestion sa kapag homework na hindi sabay-sabay na mayroon,” ayon sa opisyal.

“Tantsahin lang,” dagdag niya.

Ayon pa kay San Antonio, dapat bigyan ng sapat na panahon at tamang deadline ang mga estudyante  para magawa ang anumang gawain na ipinagagawa ng mga guro.


“Kung ano lang ang kaya ng bata, ‘yun lang muna. Hindi naman ito panahon na dapat super higpit tayo sa mga kung ano-anong ginagawa natin,” patuloy ng opisyal.

Post a Comment

0 Comments