Ranggo Sa PNP Balik Sa Dati





Pirmado na ni Pangulong Duterte ang batas para ibalik ang dating rank classification sa Philippine National Police (PNP).



Ang PNP chief na humahawak ng ranggong Director General o may 4-star rank ay mababago na sa ranggong Police General.

Ang mga nasa ka­te­goryang 3-star rank ay ikakabit na sa kanilang titulo ang Police Lt. General mula sa dating Deputy Director General habang ang mga ?may 2-star rank na dating Police Director ay magiging Police Major General na ngayon.


 Ang Chief Superintendent o 1-star rank ay magiging Brigadier Ge­neral, ang Senior Supt. ay magiging Police Colonel, ang Superintendent ay Police Lieutenant Colonel.

Inalis na rin ang ranggong Police Chief Inspector at ibinalik na ang da­ting Police Major gayundin ang Police Captain na Senior Inspector.


Ang SPO4 ay magiging Police Executive Master Sergeant; ang SPO3 ay Police Chief Master Sergeant, ang SPO2 ay Police Senior Master Sergeant habang ang SPO1 ay Police Master Sergeant.

And PO3 ay magiging Police Staff Sergeant, ang PO2 ay Police Corporal at ang PO1 ay tatawagin na ngayong Patrolman/Patrol­woman.

Source: Pilipino Star Ngayon
Share This
Previous Post
Next Post

Pellentesque vitae lectus in mauris sollicitudin ornare sit amet eget ligula. Donec pharetra, arcu eu consectetur semper, est nulla sodales risus, vel efficitur orci justo quis tellus. Phasellus sit amet est pharetra